Eto na sila, from the 1990's up to the present:
Alaska Milkmen - Marami siguro ang role players sa team na to nung 90's dahil siguro sa triangle offense ni coach tim cone na nagbibigay ng equal opportunity sa lahat na maka contribute. Dahil ang Alaska nun ay masasabi nating may big 3(the Flying A,the iceman,the hawk)pwede rin nating isama si the jet ngunit lumipat sa mobiline noon.
Poch Juinio - sa panahong pinaghaharian nina paras,patrimonio,aquino,asaytono ang shaded lane siya ang naging anchor ng Alaska defense sa ilalim. Masipag at team player.
Purefoods - Rey Evangelista - isa siguro sa all time na pinakamagaling dumipensa sa history ng pba. Premier import at local defender. Magaling ring tumira sa labas. Ito lang sa palagay ko ang all time defensive player na malinis maglaro.(basahin mo to tubid.hehe)Pwede rin dito si Bong Ravena at Glen Capacio.
San Miguel - Bago kay Freddie "the scavenger" Abuda, nagkaroon muna ng Yves Dignadice, katulad ni Rey Evangelista ito rin noon ang isa sa premier import defender ng PBA, at sa palagay ko, siya ang naging Kryptonite ni Alvin Patrimonio.hehe
Freddie Abuda - kahit alaska fan ako, wala na akong magawa kundi humanga sa the scavenger, kung saan ang bola nandun siya, may pang amoy sa bola.
Sta. Lucia - kung hindi sana lumipat si Romy de la Rosa sa MBA ilalagay ko siya dito.hehe.
Ginebra- the greatest combo of role players in PBA history Wilmer Ong and Benny Cheng, pagpasok palang sa court tumutunog na kaagad ang kantang "lets get Physical"hehe.
Shell - maliban kay Stone Wall Jackson, siguro si Jun Marzan magaling dumipensa at pag uminit scorer na rin.
Present Role Players:
Alaska Aces: Tony De la Cruz, one of the best one on one and import defender sa ngayon. Pwedeng e kumpara kay rey evangelista,kung kailangan pumuntos,pumupuntos rin. at hindi pikon.
Ginebra: Billy Mamaril, ito lang siguro ang player na hindi masyadong mataas tumalon pero ang galing sumapal at dumipensa sa ilalim. At si Erik Menk siguro kasi hindi na siya tulad ng dati na unstoppable sa ilalim. Workhorse parin hanggang ngayon.
Barako Bull: lahat sila. Wala namang superstar sa team na yan ngayon.hehe
San Miguel: Kabaliktaran ng Barako Bull, lahat naman puro superstar. Pero si Pennisi at Dorian PeÑa ang mga pinakamasipag sa team na to.
Talk n' Text : Syempre Harvey Carey, parang si maamong dennis rodman.hehe. Ang sipag talaga. sobrang sipag.
Burger King : Parang wala ring Superstar,siguro c Mark yee, masipag rin pero minsan dirty player rin. At si Pacman Arboleda, wala nang iba. Egay Billiones pwede rin.
Rain or Shine : sa ngayon siguro si Eddie Laure, ang sipag kasi at pag sa loob ng court may positive na nangyayari.
Purefoods- Marc PIngris, magaling dumipensa at rebound kaya lang bo-bo lang talaga coash nila.hehhe
Sta. Lucia - Bitoy Omolon parang Hakeem olajuwon ang mga moves sa ilalim, kahit maliit ang galing na inside operator.
Coca Cola - Norman Gonzales at Larry Rodriguez, wala ng iba.
Comment lang kayo kung may edadagdag kayo. salamat. ^_^
